--Ads--

Nakahanda na ang Commission on Elections o Comelec Cauayan City para sa halalan sa araw ng Lunes.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Assistant Election Officer Nikka Daquioag ng Comelec Cauayan City, sinabi niya na mabilis na natugunan ang naging swapping o pagpapalit ng Automated Counting Machine sa Dabburab, Cauayan city at Narvacan, Ilocos sur.

Sa ngayon naayos na ang dalawang ACM kaya maayos na ngayon at handa na ang lahat ng 131 clustered precinct sa Lunsod ng Cauayan.

Naka standy by na ang mga ACM at balota sa mga polling precinct na binabantayan ng mga PNP Personnel.

--Ads--

Palala ng Comelec sa mga kandidato na sundin ang alituntunin ng komisyon para hindi na makapagtala ng election offense kaugnay ito sa deadline ng pangangampaniya ngayong Sabado May 10.

Muling binigyang diin nila na ang filling ng kaso sa mga nagsagawa ng vote buying ay maisasakatuparan lamang kung maghahain ng reklamo ang mga witness o nagbente ng boto.