CAUAYAN CITY – Lalong hinigpitan ang pagbabantay ng mga otoridad sa pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Benham Rise o Philippine Rise ngayong araw .
Sa panayam ng ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag Lt. Col. Isagani Nato, information Officer ng Northen Luzon Command na ito ang kauna unahang magtutungo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Rise.
Sinabi ni Lt. Col. Nato na mahalaga ang Philippine Rise sa ating bansa dahil ito ay napakalawak na karagatan na maaaring pagkuhanan ng ating ikabubuhay.
Sa ngayon ay mahigpit na binabantayan ng Northern Luzon ang Philippine Rise at iba pang karagatang bahagi ng bansa sa Hilagang Luzon.
Regular anya ang kanilang martime patrol at maritime air patrol sa nasabing mga lugar upang matiyak na mapreserba ang mga yamang dagat ng bansa.
Sinabi pa ni Lt. Col. Isagani Nato na wala namang nakikita banta sa seguridad sa Benham Rise at iba pang karagatang sakop ng bansa.




