--Ads--

Mahigpit na seguridad ang ipinatupad ng Cabatuan Police Station sa isinagawang Legislative District 3 Athletic Association Meet 2026 na ginanap mula Setyembre 5 hanggang 7 sa bayan ng Cabatuan, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Dominic Paz, Deputy Chief of Police ng Cabatuan Police Station, sinabi nito na nag-deploy sila ng mga personnel sa lahat ng aktibidad upang matiyak ang kaligtasan ng mga delegates mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan.

Ayon kay PLt. Paz, may kabuuang 23 lugar na binantayan ng mga awtoridad, kung saan may tig-dalawang personnel na naka-assign sa bawat lugar.

Nagkaroon din ng 24-oras na pagbabantay sa mga tinutuluyan ng mga delegates.

--Ads--

Kabilang sa mga idineploy ang mga personnel mula sa iba’t ibang police stations at iba pang tanggapan upang palakasin ang seguridad sa buong pagdaraos ng palaro.

Aniya, wala namang naitalang anumang insidente sa kabuuan ng tatlong araw na aktibidad.

Dagdag pa nito, mahalaga ang pagkakaroon ng mga ganitong palaro upang sa murang edad ay ma-develop ang talento, disiplina at iba’t ibang kakayahan ng mga kabataan.