--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ng mga kasapi ng Santiago City Police Station ang security guard ng isang department store matapos magsagawa ng inspeksiyon ang Regional Civil Security Unit ng lungsod sa mga gwardiya.

Ang guwardiya ay si Mark Jonel Marzo, 2o anyos, residente ng Alfonsolista, Ifugao.

Bigo umanong magpakita ng mga dokumento si Marzo na magpapatunay na isa siyang guwardya at wala ring maipakitang linsensya ng kanyang hawak na baril na anim na bala.

Sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Cauaya wala pa sa tamang uniporme ang guwardya nang siya’y sitahin ng mga otoridad.

--Ads--

Dinala sa Station 1 ng Santiago City Police Office ang guwardya para sa kaukulang dokumentasyon at inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 10591 ( Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act )