Naghahanda na ang United Opposition para sa kanilang kandidato sa pagka-Pangulo sa 2028, matapos inanunsyo ni VP Sara Duterte ang kanyang plano na tumakbo sa pagka-Pangulo.
Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, nasa proseso na sila ng pagpili ng standard-bearer at tinutukoy ang mga qualifications tulad ng laban sa katiwalian, good governance, at pambansang soberenya.
Sinabi rin ni Sen. Hontiveros na bukas siya sa posibilidad na tumakbo, ngunit hindi pa opisyal ang anunsyo. Patuloy na binubuo ng oposisyon ang kanilang plano para sa darating na halalan.
Ayon sa mga kasamahan niya, tinitiyak nila na hindi magiging mabilis at padalos-dalos ang kanilang desisyon.
Nilalayon nilang makapaglatag ng isang malakas at tapat na kandidato na magbibigay ng alternatibong liderato para sa bansa, na tututok sa mga isyu ng mga ordinaryong mamamayan at hindi lamang sa mga interes ng ilang











