--Ads--

Dismayado si Sen. Imee Marcos sa naging desisyon ng International Criminal Court (ICC) na ibasura ang apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng hurisdiksyon ng korte sa kasong kinahaharap nito.

Sa isang pahayag, sinabi ni Marcos na hindi umano iginagalang ng naturang hakbang ang pag-alis ng Pilipinas sa Rome Statute.

Ayon sa kanya, binabalewala rin nito ang prinsipyo na dapat bigyang-prayoridad ang mga lokal na institusyon na handa namang umaksyon sa mga kaso.

Giit pa ng senador, nagdudulot ito ng seryosong isyu sa respeto sa pambansang soberanya at sa tamang hangganan ng hurisdiksyon ng mga internasyonal na korte.

--Ads--

Binigyang-diin din niya na ang hustisya ay dapat isulong sa paraang naaayon sa Konstitusyon, mga batas ng bansa, at integridad ng sariling sistemang hudisyal ng Pilipinas.