--Ads--

Ibinunyag ni Senador Ping Lacson ang apat na lupain sa Taguig na may kabuuang lawak na 38.83 ektarya na umano’y ilegal na ni-reclaim at may iregularidad sa mga titulo.

Sa pahayag ni Lacson nitong Sabado, Agosto 29, sinabi niyang kabilang sa may “fraudulent” title ang 5,000-square-meter na lupain na dumaan sa Judicial o Ordinary Land Registration Processing.

Kasama rin dito ang 9,204-square-meter na lupain na sakop umano ng Administrative Patent; 181,077-square-meter na lupain na sakop ng Homestead Patent; at isang 193,027-square-meter na parcel.

Ayon pa sa senador, mayroon ding apat pang parcels na wala pang plotted titled lots sa digital file ng Land Registration Authority o LRA.

--Ads--

Sinabi ni Lacson na ipauubaya rin sa Ombudsman fact-finding team ang mga naturang impormasyon para sa kaukulang aksyon.

Ang pahayag ng senador ay kasunod ng umano’y paulit-ulit na panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano na maglabas siya ng ebidensya kaugnay sa isyu.