--Ads--
Inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill No. 1908 o ang Law Enforcement Body-worn Camera Act na nag-aatas sa mga law enforcement officer na magsuot ng body cameras sa kanilang mga opisyal na operasyon.
Ayon kay Deputy Majority Leader Sen. JV Ejercito, layunin ng panukala na palakasin ang transparency at accountability sa hanay ng mga awtoridad sa sandaling maisabatas ito.
Sinabi rin ng senador na ang panukala ay magbibigay proteksyon hindi lamang sa mga sibilyan kundi pati na rin sa mga law enforcement habang nagsasagawa ng operasyon.
Dagdag pa niya, magsisilbing “impartial witnesses” ang mga body camera sa pagdodokumento ng mga operasyon ng pulisya.
--Ads--






