Target ng Senate impeachment court na matapos ang impeachment trial at makapaglabas ng desisyon sa kaso ni Vice President Sara Duterte pagsapit ng kalagitnaan hanggang katapusan ng Nobyembre, ayon kay Senate President at senator-judge Sherwin Gatchalian.
Ayon kay Gatchalian, maaaring kailanganin ng impeachment court ang 30 hanggang 45 calendar days para matapos ang paglilitis, bagama’t magkakaroon ng dalawang linggong break ang Senado sa pagtatapos ng Oktubre.
Sinabi rin nito na bumilis ang takbo ng impeachment proceedings matapos tanggalin ang ilang testigo at mabigyan ng mas mahabang oras ang impeachment court para sa mga pagdinig.
Sa ngayon, tinatalakay ng impeachment court ang Article 2 ng Articles of Impeachment na may kaugnayan sa umano’y unexplained wealth ni Duterte.
Samantala, sinabi ni House trial spokesperson Zia Alonto Adiong na pinag-uusapan pa ng prosecution panel kung itutuloy ang bribery charges laban sa bise presidente sa ilalim ng Article 3.











