--Ads--

Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco na itinalaga bilang acting Chairperson ng House Appropriations Committee si Senior Vice Chair Stella Quimbo.

Ito ay kasunod ng pagbibitiw ni Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co  bilang chairman ng komite  dahil sa isyu sa kalusugan.

Kinumpirma naman ni Quimbo na siya ay inabisuhan ng house leadership hinggil sa designation nito.

Sa isang panayam sinabi ni Quimbo tuloy lamang ang functions ng komite kahit bumaba sa pwesto ang dating chairman na si Rep. Elizaldy Co.

--Ads--

Inabisuhan din aniya siya ng liderato ng Kamara na tiyakin na walang magbabago sa trabaho ng komite, bilang siya ang senior vice chair.

Nang matanong naman kung siya na ba ang papalit bilang chairperson, kaniyang sinabi na ang papel niya ay siguruhin na magagampanan ng maayos ng komite ang mandato nito.

Sa panayam kay House Sec. Gen. Velasco, kaniyang sinabi na bilang senior vice chair si Quimbo ng komite, ay gagampanan niya ang sa “acting capacity” ang responsibilidad ng tagapangulo ng Komite.

Para naman makapagtalaga ng bagong chairman ng komite ay kailangan ng aksyon ng plenaryo.