--Ads--

Patuloy na kumikilos pahilagang-kanluran (northwestward) ang Tropical Depression “Luis” habang nasa silangan ng Infanta, Quezon.

Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 70 kilometro kada oras.

Nananatiling nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa Polillo Islands, Catanduanes, Camarines Norte, at ilang bahagi ng Camarines Sur. Inaasahan din ang malalakas na pag-ulan, pabugso-bugsong hangin, at maalon na karagatan sa mga apektadong lugar.

Ayon sa PAGASA, posibleng lumakas si “Luis” at maging isang tropical storm sa loob ng susunod na 24 oras habang nananatili sa karagatan.

--Ads--