--Ads--

CAUAYAN CITY – Pro-life ang simbahan kaya kailanman ay hindi kakatigan ang pagbuhay sa death penalty sa bansa.

Ito ang iginiit ni Father Vener Ceperez, Social Communications Director ng Diocese of Ilagan at Kura Paroko ng Saint Anthony De Padua Parish Church sa Reina Mercedes, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Fr. Ceperez na ang Diyos ang nagbigay ng buhay kaya ang Panginoon lamang ang may karapatang bumawi sa ibinigay na buhay.

Sa pagnanais aniya ng kasalukuyang administrasyon na ibalik ang parusang kamatayan ay sinimulan na pagpapatibay sa sa Anti-Terror law dahil sa mga probisyon nitong labag sa karapatang pantao.

--Ads--

Ayon pa kay Father Ceperez, ang isyu ngayon ay tungkol sa legalidad na hindi naman nasusunod ang tama o moralidad.

Dapat ay pagtuunan ng pansin ngayon ng administrasyong Duterte ang paglaban sa COVID-19 at hindi ang pagsusulong ng mga batas na hindi makakatulong sa pagsusulong ng karapatang pantao lalo na sa batas ng Diyos.

Ang nakikita niyang dahilan kaya nais na ibalik ang parusang kamatayan ay dahil nais ipakita ng pangulo ang kamay na bakal sa kanyang administrasyon .

Dahil dito, hinimok niya ang publiko na mas lalong kumapit sa Panginoon sa pamamagitan ng mga panalangin.

Ang pahayag ni Fr. Vener Ceperez.

Samantala, sinabi ni Fr. Ceperez na kung magbibigay man siya ng grado ay hindi lamang ang pangulo ang kanyang bibigyan kundi kabilang din ang kanyang mga katuwang na opisyal sa pamamalakad sa pamahalaan.

Sa panahon ngayon ay hindi lamang ang pangulo ang nagtatrabaho dahil dapat ding gumalaw ang kanyang mga katuwang kaya huwag lamang dapat sa kanya ituon ang pansin.

Iginiit ni Fr. Ceperez na kung ano ang mukha ng pangulo ay mukha rin ng lahat dahil hindi kakayanin ng presidente na pamunuan ang bansa nang siya lamang.

Ang pahayag ni Fr. Vener Ceperez.