--Ads--

CAUAYAN CITY – Nanawagan ang pamahalaang lokal ng Calayan sa Mines and Geo-sciences Bureau o MGB at ibang ahensiya ng pamahalaan na suriin ang lumitaw na sinkhole sa Magsidel, Calayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mayor Joseph Llopis  na noong nakaraang linggo pa nakita ang sinkhole ngunit hindi nila inasahan na lalawak ito.

Dahil dito ang pamahalaang lokal ng Calayan at mga opisyal ng barangay Magsidel ay naglagay na ng harang  sa kalsada malapit sa sinkhole.

Ayon kay Mayor Llopis ang sinkhole ay may lalim na anim na metro at konektado sa karagatan ng Calayan.

--Ads--

May nakita na ring bitak-bitak malapit sa sinkhole patungong  northeast ng Calayan at mahahagip ang kanilang airport.

Dahil sa paglawak ng sinkhole na konektado sa karagatan ay nangangamba  na ang mga residente.

May  dalawang pamilya  malapit sa lugar  ang pinayuhang umalis  at nakitira sa mga kamag-anak   upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Sa ngayon ay tanging ang mga magagaan na sasakyan tulad ng motorsiklo ang pinapayagang dumaan upang maiwasang bumigay ang nasabing kalsada.