--Ads--

Isang malaking hakbang sa mundo ng siyensiya ang ipinamalas ng kompanyang Colossal Biosciences matapos nilang matagumpay na makapagpapisa ng mga buhay na sisiw gamit ang isang artipisyal na itlog.

Ang teknolohiyang ito ay idinisenyo upang makatulong sa pagpaparami ng mga endangered species at posibleng muling makapagpabali sa mga extinct na hayop.

Ang naturang artipisyal na itlog ay mukhang simpleng plastik na baso, ngunit ito ay isang 3D-printed na istruktura na may pambihirang disenyo. Ang inobasyong ito ay ang silicone membrane na nakabalot sa loob nito, na nagbibigay-daan upang makapasok ang sapat na oxygen nang natural, katulad na katulad ng proseso sa isang totoong itlog ng ibon.

Upang masubukan ito, maingat na isinalin ng mga eksperto ang laman ng isang biological na itlog patungo sa artipisyal na sisidlan. Ang pangunahing layunin ng Colossal Biosciences sa pagbuo ng teknolohiyang ito ay ang muling pagbuhay sa South Island giant moa (Dinornis robustus), isang dambuhalang ibon sa New Zealand na may taas na tatlong metro at tumitimbang ng 500 pounds na tuluyang naglaho noong ika-14 na siglo.

--Ads--

Nakagawa na rin ang kompanya ng mas malaking bersiyon ng artipisyal na itlog na kasukat ng isang football para sa moa bird.

Bagama’t nagtagumpay silang makapagpapisa ng mga manok, aminado ang mga eksperto na mahaba-haba pa ang tatahakin bago tuluyang maibabalik ang giant moa. Kailangan pa nilang suriin at manipulahin ang DNA mula sa mga lumang buto nito upang ihalubilo sa genome ng mga kasalukuyang ibon.