--Ads--

CAUAYAN CITY – Inilunsad ng Department of Health (DOH) region 2 ang Social Recovery Program para sa pagtugon sa epekto ng COVID-19 pandemic sa mga mamamayan sa Lambak ng Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Rio Magpantay ng DOH region 2, sinabi niya na marami ang mga mamamayan na hindi man nagkasakit ng COVID-19 ay nakakaranas ng depresyon.

Ito ay dahil problema nila ang mapagkukunan ng mga araw-araw na pangangailangan bunga ng kawalan ng trabaho kaya ito ngayon ang tinututukan ng kanilang Mental Health Program.

Ayon kay Dr. Magpantay, sa ibang rehiyon ay may mga napaulat na nagpositibo sa COVID-19 na nagpakamatay kaya ayaw nilang mangyari ito sa ikalawang rethiyon.

--Ads--

Ito ang dahilan kaya binuo nila ang nasabing programa na tutulong sa mga pasyente na gumaling o makarekober sa nakakahawang sakit.

Aniya, kung mayroong nangangailangan ng tulong at nagnanais na dumulog sa kanilang tanggapan ay may hotline sila na maaaring tawagan.

Bisitahin lamang ang social media page ng DOH region 2 at tingnan ang numerong maaaring kontakin upang makausap sila ng mga trained nurses ng DOH Region 2 at mabigyan ng tugon ang kanilang mga katanungan o problema.

Ang bahagi ng pahayag ni Regional Director Dr. Rio Magpantay ng DOH Region 2.