CAUAYAN CITY – Puspusan ang pag eensayo ng labing pitong taong gulang na Ice cream vendor ng District 1 Cauayan City, Isabela para sa search for Man of the philippines 2018.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Hans Chavit Aquino, Grade- 8 Student na maliban sa pag-gym na bahagi ng kanyang diet ay pinag aaralan na rin niya ang tamang paglakad at ang question and answer portion.
Si Aquino ay nag iisang anak ng isang labandera at walang namulatang ama kaya siya ang tumayong haligi ng tahanan mabuhay lamang silang mag ina.
Inspirasyon niya ang kanyang mga napagdaanang hirap sa buhay upang mapag-tagumpayan ang patimpalak kabilang na rito ang pagiging sorbetero habang nag-aaral hanggang magdesisyong sumabak na rin sa pageant noong siya 16 anyos dahil sa hindi sapat na paglalako ng ice cream at napagtagumpayan ang anim na kumpitesyon sa ibat ibang brgy at syudad.
Nanilbihan din siya bilang helper sa letchonan ng baboy kapalit ng pagpapaaral sa kanya ngunit hindi naman naapektuhan ang kanyang mga grado at napapabilang sa mga honor student.
Inihayag ni Aquino na pangarap niyang maging businessman at iangat sa kahirapan ang kanyang ina.
Si Aquino ay tutulak na sa Maynila sa June 30, 2018 para sa official pinning of sash, kasama ang tatlo pang candidates mula sa Santiago City ,Nueva Vizcaya at Isabela habang sa buwan ng December ang coronation night.




