--Ads--
Ret. P/Maj. Danny Alingog

CAUAYAN CITY – Bumuo na ng Special Investigation Task Group (SITG) ang Echague Police Station na ibayong mag-iimbestiga sa pagbaril at pagpatay sa retiradong hepe ng pulisya sa isang sabungan sa Tuguegarao, Echague, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Maj. Randy Joseph Carbonel, deputy Chief of Police ng Echague Police Station na paiigtingin pa nila ang imbestigasyon para matukoy kung ano ang tunay na motibo sa pagpatay kay Retired P/Maj. Danny Alingog, dating hepe ng Angadanan Police Station at residente ng Fugaru, Angadanan, Isabela.

Idinagdag pa niya na batay sa salaysay ng isang witness, hindi nakilala ang apat na suspek dahil nagtakip sila sa mukha at walang plaka ang ginamit na motorsiklo sa kanilang pagtakas