--Ads--

CAUAYAN CITY- Magsisimula na sa susunod na taon ang posting ng job vacancy para sa mga magbabakasyon na estudyante sa lungsod ng Cauayan

Sa ilalim ng Special Program for the Employment of the Student o SPES, mabibigyan ng pagkakataon ang mga mahihirap na mga estudyante na makapagtrabaho habang wala pa silang klase.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Attorney Divina Gonzalez, ang Public Employement Service Office o PESO Manager ng Cauayan, sinabi nito na hinihintay na lamang nila ang pondo na manggagaling sa Department of Labor and Employment para sa SPES program

Aniya, malaking bagay ang programang ito para sa mga estudyante lalo na sa mga hirap sa buhay nang sa ganoon ay magkaroon sila ng trabaho sa darating na bakasyon

--Ads--

Hinikayat din niya ang mga dati ng nakasali sa SPES na muling makilahok sa programa