CAUAYAN CITY – Mariing tinutulan ni CPP Founder Jose Maria Sison ang nais umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawin sa Manila ang peace negotiation simula sa ikalawang linggo ng Hulyo 2018.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Sison, iginiit niya na hindi siya papayag at ang NDFP sa nais ni Pangulong Duterte na ilagay ang peace negotiation at siya sa kontrol niya sa Manila dahil nakasaad sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees o JASIG na ang peace negotiation ay dapat isagawa sa foreign neutral venue para hindi masingitan ng mga armadong peace spoilers or saboteurs.
Sinabi pa ni Joma Sison, NDFP Chief Political Consultant na may special team ang Gov’t. Peace Panel na kakausap sa NDFP sa darating na weekend kaugnay ng ipinagpaliban na pagsisimula ng peace talks sa June 28, 2018.




