CAUAYAN CITY– Tinaya ng sports analyst na si Karl Batongbakal na aabot sa game 7 NBA Eastern Conference finals ang laro ng Boston Celtics at Miami Heat.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Batongbakal na tiwala siya na kaya ng Celtics na talunin ang Miami dahil mas kumpleto ang kanilang manlalaro kumpara sa Miami.
Kailangan namang maging assertive sina Jimmy Butler at Bam Adebayo dahil sila ang nakakapagtala ng mataas na puntos.
Sa panig naman ni Jayson Tatum ay kailangan maging consistent at tumulong si Jaylen Brown sa pamamagitan ng pagtala ng mataas na puntos.
Nauna rito ay inangkin ng Miami Heat ang unang panalo sa NBA Eastern Conference finals kontra Boston Celtics sa score na 118 – 107.
Nanguna si Jimmy Butler sa panalo ng kanilang koponan sa kanyang naitalang apatnaput isang puntos kasama ang 9 rebounds, 5 assists at 4 steals.
Dinagdagan naman ito ni Gabe Vincent ng 17 points at 18 puntos ni Tyler Herro.
Sa panig ng Celtics nagtala ng 55 combined points ang combo nina Jayson Tatum (taytum) at Jaylen Brown subalit hindi pa rin ito sapat para gapiin ang number 1 seed sa East.
Muli namang maghaharap ang dalawang koponan sa Game 2 sa Biyernes, sa home court pa rin ng Miami.