--Ads--

CAUAYAN CITY- Ipinasakamay ng City Government of Cauayan ang ilang karagdagang sports equipment para sa mga  mag-aaral na may espesyal na pangangailangan sa Cauayan South Central School.

Kabilang sa mga ipinagkaloob ay mga bola para sa goalball at football na partikular na idinisenyo para sa mga batang may kapansanan sa paningin.

Ayon kay Teacher Vicky Velasquez, Special Needs Education Coordinator ng paaralan, malaking tulong ang mga ito para sa kanilang mga guro.

Aniya, mas magiging madali na ang pagtuturo sa mga bata ngayon lalo at may mga kagamitan ng gagamitin.

--Ads--

Dagdag pa niya, hindi lamang ang mga visually impaired ang makikinabang sa mga ipinamahaging equipment kundi pati na rin ang iba pang mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan na aktibong nakikilahok sa mga palaro tulad ng swimming at athletics.

Dagdag pa ni Teacher Velasquez, magandang balita rin ito para sa kanilang mga.mag-aaral dahil may magagamit na sila oras ng kanilang Physical Education.