--Ads--

CAUAYAN CITY – Bumida sa 100 meter Master’s Women Category ang tinaguriang Long Jump Queen na si Elma Muros sa nagpapatuloy na 2018 Philippine Athletics Championship sa lunsod ng Ilagan.

Sa edad na 51 hindi pa rin kumukupas sa pagtakbo si Elma Muros matapos maitala ang bilis na 15.19 seconds

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Elma Muros sa kabila ng kanyang edad ay handa pa rin siyang tumakbo dahil dito siya nakilala hindi lang sa bansa kundi sa international sporting events.

Sa kabila ng kaniyang tinamong injury nais pa rin niyang ipakita ang tapang upang maging inspirasyon sa iba pang atleta.

--Ads--

Si Elma Muros sa exklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan ay tinagurian ding “Sprint Queen” matapos mapagtagumpayan noon ang 100 meters at 400 meters hurdles, 100 meters, 200 meters at 400 meters sprint at heptathlon event.

Ginawaran din siya noon ng Lifetime Achievement Award dahil sa kaniyang nakuhang labing limang gintong medalya sa Southeast Asian Games sa sports sa Track and Field.

Naging kinatawan din siya ng Pilipinas noong 1984 sa Los Angeles, California at Alanta Olympics noong 1996.

Ito ang unang pagkakataon na nakarating si Muros sa lungsod ng Ilagan.