--Ads--

Pumanaw si Michelle O’Bombshell, isang kilalang stand-up comedian at impersonator ng dating First Lady ng Estados Unidos na si Michelle Obama. Ipinahayag ang kanyang pagkamatay nitong Lunes, Abril 6, bagama’t hindi pa ibinubunyag ng pamilya ang kanyang edad at dahilan ng pagkamatay.

Bagama’t nagdadalamhati ang mga kaibigan at katrabaho, ipinagdiriwang din nila ang kanyang buhay at ipinahayag ang kanilang pakikiramay sa social media.

Ayon kay aktres-komedyante Tuesday Vargas, kilala si O’Bombshell sa publiko bilang impersonator ni Michelle Obama, ngunit siya ay itinuturing na mahalagang kaibigan na nagturo sa kanya kung paano magsulat at mag-perform. “Ikaw ang nag-iisang Ador ng buhay ko. Hanggang ngayon hindi ko matanggap pero alam kong nasa piling ka na ng Diyos,” ani Vargas.

Samantala, ibinahagi rin ni Pepita Curtis, isa pang Sparkle artist, ang kanyang alaala kasama si O’Bombshell, kabilang na ang kanyang talento bilang komedyante at ang kabutihang ipinapakita sa mga baguhan sa industriya.

--Ads--

Bukod sa pagtatanghal sa comedy bars, madalas ding lumabas si O’Bombshell sa mga variety shows Lumahok rin siya sa mga pelikula tulad ng “Wapakman” at “My Amiga Girl”.