--Ads--

CAUAYAN CITY- Wala pang naitatalang anumang paglabag sa Comelec Gun Ban ang Santo Tomas Police Station simula noong nagsimula ang implementasyon nito nitong Enero 2025.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Rufo Figarola, Chief of Police ng Sto Tomas Police Station, sinabi niya na mayroon silang nakakalat na apat na comelec checkpoints sa bayan ng Santo Tomas ngunit wala pa umano silang nasisita na mga violators dahil wala naman umano silang namamataan na mga nagdadala ng ipinagbabawal na kagamitan gaya na lamang ng baril.

Aniya, sa kabuuan ay mapayapa ang kanilang nasasakupan kahit papalapit na ang eleksyon dahil wala naman silang binabantayan na mga election hotspot sa kadahilanang magkakamag-anak ang mga tatakbo para sa local election.

Bagama’t kung pagbabatayan ang background ng Santo Tomas pagdating sa halalan ay mayroon nang umano noong naitala na mga election-related incidents ngunit batay sa kanilang obserbasyon sa ngayon ay magiging maayos naman ang takbo ng halalan.

--Ads--

Samantala, simula buwan ng Diyembre 2024 hanggang sa kasalukuyan ay wala pa naman umano silang naitatala na anumang crime incidents sa kanilang nasasakupan na bunga umano ng kanilang maigting na monitoring at pakikipag-ugnayan sa mamamayan.

Nagkaroon din aniya ng mabilis pagbaba ang kaso ng ilegal na droga sa kanilang nasasakupan simula noong maideklarang drug cleared municilapity ang Santo Tomas.

Gayunpaman ay patuloy pa rin ang kanilang pag-monitor sa kalakalan ng ilegal na droga upang hindi na ito kumalat pa sa kanilang bayan.

Ilan sa mga drug personality na kanilang nahuli at patuloy na minamanmanan ay kusa umanong nagpapa-drug test upang mawala na sila sa listahan ng mga drug personalities personality.