--Ads--

Hindi paiiralin ng Senado ang sub-judice rule sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte tulad ng pinaiiral sa mga regular na korte.

Ang sub-judice rule ay ang pagbabawal sa pagtalakay sa mga kasong nakabinbin sa korte upang hindi maimpluwensyahan ang huwes sa paglilitis.

Paliwanag ni Escudero, isang political process ang impeachment trial at mga politiko ang magpapasya.

Bukas din sa publiko ang impeachment trial kaya malaya itong matatalakay ng lahat.

--Ads--

Mas pagtutuunan ng pansin ni Escudero ang pagpapaalala sa mga kapwa senador na tatayong hukom na iwasang magkumentaryo tungkol sa impeachment trial upang maging patas at kapani-paniwala ang magiging desisyon.