--Ads--
Inihayag ng mga awtoridad, na ang sunog sa Le Constellation nightclub sa Switzerland noong Bagong Taon ay nagsimula sa sparkler o nagliliyab na kandila na inilagay sa mga bote ng champagne na masyadong malapit sa kisame.
Mabilis na kumalat ang apoy, na nagdulot ng 40 kataong namatay at 119 ang sugatan, marami sa kanila ay kritikal pa ang kondisyon.
Sinabi ni Valais Attorney General Beatrice Pilloud na tututukan ng imbestigasyon ang mga materyales sa bar,, kapasidad ng lugar, at dami ng tao. Posible aniyang may kasong legal kung may nakitang kapabayaan.
Ayon sa ulat, maraming nasugatan ang kailangang ilipat sa mga special centers sa Europa dahil sa malubhang paso sa katawan.
--Ads--








