--Ads--

Mahigpit na minomonitor ng Department of Energy ang suplay ng liquefied petroleum gas sa bansa, na maaaring tumagal lamang umano ng hanggang 24 na araw.

Sinabi ni Energy Secretary Ramon Guico Garin sa isang pagdinig sa Senado na kabilang sa kanilang tala ang darating na mga delivery ng LPG. Ayon sa DOE, sapat pa ang suplay ng ibang produktong petrolyo gaya ng gasolina at diesel, ngunit ang LPG ang may pinakamababang antas ng suplay.

Antas ng suplay ng produkto (bilang ng araw):

Fuel oil: 61 araw

--Ads--

Gasolina: 53 araw

Diesel: 46 araw

Jet fuel: 39 araw

LPG: 24 araw

Ani DOE Undersecretary Gerardo Sales, ang kasalukuyang suplay ng LPG ay tatlong beses pa sa kinakailangang minimum na pito (7) araw ayon sa itinakdang imbentaryo para sa mga supplier.

Gayunpaman, nagpakita ng pangamba si Senador JV Ejercito sakaling maantala ang pagpasok ng suplay sa pamamagitan ng Strait of Hormuz. Paliwanag ng DOE, nakikipag-ugnayan sila sa mga bansang pinanggagalingan ng petrolyo ng Pilipinas.