--Ads--

CAUAYAN CITY –  Nadakip na ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station ang isa sa 7 suspek  sa karumal dumal na pagpatay sa  binatang  itinapon sa balon sa  Dacanay Street Extension, San Fermin, Cauayan City.

Ang pagkakaaresto ng suspek  na si  Reymond Taguintin, na kabilang sa number 1 sa most wanted person city level at residente ng Albano Street, District 3, Cauayan City  ay  limang buwan matapos matagpuan ang katawan ng biktima sa isang balon.

Matatandaan na matapos umanong pagtulungang bugbugin at saksakin ng  5 suspek  ang biktimang si Edward Labog, 27 anyos,  binata at residente ng barangay Labinab, Cauayan City  ay ihinulog pa siya sa  balon  na  nasa compound ng isang  apartment at binagsakan ng mga buhangin, bato at tela.

Inilabas ni Judge Ariel Palce ng Regional Trial Court Branch 40, Cauayan City  ang warrant of arrest laban sa  7 suspek  sa kasong murder.

--Ads--

Sa isinagawang  intelligence monitoring ng Cauayan City Police Station ay nadakip  ang isa sa pitung pinaghihinalaan na si   Taguintin,.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Taguintin, sinabi niya na wala umano siya sa pinangyarihan ng krimen nang mangyari ang pananaksak kay Labog dahil sa nagtungo na umano sila noon sa lugawan…

Naiwan umano noon ang iba pa nilang kasamahan na siya umanong nanaksak at nambugbog sa biktima.

Maaring idinawit lang umano ang kanyang pangalan dahil dati na siyang naharap sa kasong frustrated murder.