--Ads--

Hawak na ng kapulisan ang car agent at asawa nito na siyang persons of interest sa kasong pagpatay sa isang babaeng pulis at anak nito.

Sinabi ni National Capital Region Police Office chief Police Major General Anthony Aberin, na ang asawa ng car agent ay isang dismissed na pulis.

Isinagawa ang pag-aresto sa mga suspek sa Quezon City nitong madaling araw ng Enero 31.

Sila ang nasa likod ng pagpaslang kay Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido, 38-anyos at anak nitong si John Ysmael, 8-anyos.

--Ads--

Unang natagpuan ang bangkay ng babaeng pulis sa isang creek sa Pulilan, Bulacan noong Enero 24 na may tama ng baril sa ulo.

Matapos ang anim na araw ay natagpuan ang anak nito sa isang taniman ng calamansi sa Victoria, Tarlac.

Kinilala ito ng ama ng biktima na si Police Senior Master Sergeant John Mollenido ang bangkay ng walong-taong gulang na biktima.

Huling nakita ang mag-ina noong Enero 16 at sila ay naiulat na nawawala noong Enero 19.

Nakatakda sana silang makipagkita sa isang car agent sa Quezon City matapos na makapagbenta ng sasakyan.

Nakakita ng ilang mga ebidensiya gaya ng bakas ng dugo ang mga imbestigador sa bahay ng suspek sa Quezon City.