--Ads--

Kusang sumuko sa Naguilian Police Station ang suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa babaeng natagpuan sa bayan ng Gamu, Isabela, ayon sa asawa ng biktima.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jhomel Carabbacan, asawa ng biktima, kusang loob umanong sumuko ang suspek sa PNP Naguilian noong Martes ng umaga, Enero 6. Ang suspek ay itinago sa alyas na “Oman”, residente ng Barangay Minanga, Naguilian.

‎Dagdag ni Carabbacan, agad naman silang naghain ng kasong murder laban sa suspek noong Biyernes (January 9), kasunod ng pagsuko nito. Sa ngayon, hinihintay na lamang umano ng pamilya ang subpoena mula sa korte upang malaman kung kailan gaganapin ang unang pagdinig ng kaso.

‎Nagpahayag din ng pasasalamat si Carabbacan sa PNP Gamu dahil sa patuloy na pagtutok at mabilis na aksyon ng mga awtoridad sa imbestigasyon ng kaso.

--Ads--

‎Matatandaang noong umaga ng Disyembre 20, natagpuan ang bangkay ng biktimang si Roxanne Carabbacan sa bayan ng Gamu, Isabela, na nakabalot sa pulang plastic, na ikinabigla ng komunidad at nagbunsod ng masusing imbestigasyon ng pulisya.

‎Patuloy pa ring isinasagawa ng mga awtoridad ang kaukulang proseso upang matiyak ang hustisya para sa biktima at sa kanyang pamilya.