CAUAYAN CITY– Naaresto ang isa sa dalawang suspek sa naganap na pamamaril kaninang alauna ng madaling araw sa Minuri, Jones, Isabela.
Ang biktima ay si Sherwin Nastor 36 anyos, may-asawa, magsasaka at residente rin ng Minuri, Jones, Isabela.
Ang suspek na inaresto ay si Glen Enriquez 20 anyos, binata, magsasaka at residente ng Barangay Minuri, Jones, Isabela.
Tumugon ang Jones Police Station matapos matanggap ang tawag ng isang concerned citizen hinggil sa naganap na pamamaril sa nasabing barangay.
Lumabas sa kanilang pagsisiyasat na na ang biktima at isang kasama ay nagtungo sa lamay ng isang kabarangay.
Nang pauwi na sila sakay ng motorsiklo ay nilampasan at hinarang sila ng dalawang lalaki na sakay din ng motorsiklo at sila ay pinaputukan.
Tinamaan ng mga bala si Nastor na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Naaresto naman ang suspek na si Glen Enriquez