--Ads--

CAUAYAN CITY – Sumuko ang isang vendor na sumaksak at gumahasa sa isang 10 anyos na bata pagkatapos ay itinapon ang bangkay sa ilog sa Baluarte, Santiago City.

Batay sa autopsy report ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nagtamo ng tatlong saksak malapit sa kanyang puso at positive sa penetrating injuries sa vagina at anus ang biktimang si Janelle Jane Malubay, 10 anyos at residente ng Malvar, Santiago City.

Ang suspek na si Mark Alvin Ortiz, 23 anyos, vendor at residente ng Malvar, Santiago City ay sasampahan ng kasong rape with homicide.

Sumuko sa tanggapan ng pamahalaang barangay ng General Malvar, Santiago ang suspek na nasa kustodiya na ng Station 3 ng Santiago City Police Office (SCPO).

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa suspek, inamin niya na lango siya sa rugby at alak nang isagawa ang pagpatay sa bata.

Ginising niya ang bata habang natutulog at inilabas sa kanilang bahay saka inundayan ng mga saksak.

Nang matiyak na patay na ang biktima ay isinagawa na niya ang masamang balak at pagkatapos ay binuhat niya ang bata at isinakay sa kolong-kolong at dinala sa barangay Baluarte.

Mula sa itaas ng tulay ay inihulog niya ang bangkay ng bata.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Barangay Kapitan Sonny Santiago, sinabi niya na dakong alas diyes kagabi nang makumbinsi na sumuko ang suspek sa pangunguna ng kanilang chief tanod para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng bata.