--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahigpit ang seguridad na ilalatag ng mga pulis at iba pang ahensiya ng pamahalaan  para sa mga kandidata ng 56 na bansa na kalahok sa Miss Asia Pacific International 2019.

Ang coronation night ay gaganapin sa October 9, 2019 sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World sa Pasay City.

Bukas, October 2, 2019 ay gaganapin sa Nagtipunan, Quirino ang swimsuit at gown competition ng nasabing beauty pageant.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PMaj Dominic Rosario, hepe ng Nagtipunan Police Station na simula noong nakaraang linggo ay abala sila sa pagpaplano para sa ipapatupad nilang seguridad ng mga kandidata at bisita gayundin ng mga mamamayan na manonood.

--Ads--

isinagawa ngayong araw ang final coordinating conference na pinangunahan ng Police Regional Office (PRO2) para sa mahigpit na seguridad sa Ponggo, Nagtipunan, Quirino.

Ang swimsuit at gown competition ng Miss Asia Pacific International 2019 ay gaganapin sa Municipal Gymnasium 7:00 pm hanggang 11:00 pm bukas.

Bago ang competition ay isasagawa ang tree planting activity ng mga kandidata sa Landingan Viewpoint sa bayan ng Nagtipunan.  

Ayon kay PMaj Rosario, umaabot sa 2,000 hanggang 3,000 ang manonood.

Pinayuhan niya ang mga manonood na huwag magdala ng bladed weapon at backpack dahil mahigpit ang ipatutupad nilang seguridad.

Photo Credit: Miss Asia Pacific International FB