--Ads--
Hindi na itinanggi ni Steven Cua, presidente ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association, na inaasahang tataas ang presyo ng ilang produkto sa Abril.
Ayon sa kanya, ito ay dulot ng patuloy na krisis sa Gitnang Silangan na nakaapekto sa suplay ng langis, pati na rin sa paggamit ng ilang sangkap o raw materials mula sa ibang bansa.
Dagdag pa niya, kung magpapatuloy ang giyera sa Iran, posibleng tumaas ang presyo ng karamihan sa mga produkto sa supermarkets.
May mga produkto na rin ang nagtataas ng presyo, lalo na sa mga probinsya, dahil sa karagdagang gastusin sa transportasyon dulot ng mataas na presyo ng petrolyo.
--Ads--
Simula Abril 1, ilan sa mga manufacturers ay nag-abiso na ng pagtaas ng presyo ng kanilang mga produkto.











