--Ads--

Bumuo ang pamunuan ng 5th Infantry Division, Philippine Army ng Task Force Abra na tututok sa pagbabantay sa halalan 2025 sa lalawigan ng Abra.

Ang nasabing task force ay magkakaroon ng ugnayan sa kapulisan at Comission on Election (COMELEC) para matugunan ang pangangailangan ng seguridad sa mga lugar na itinuturing na areas of concern.

Nagpadala ang 5ID ng nasa higit isandaang sundalo sa mga lugar na isinailalim sa yellow at orange category. Ang Abra ay isa sa mga lugar na mahigpit na binabantayan ng COMELEC at PNP dahil sa banta ng mga election related violent incidents mula sa mga magkakatunggali sa pulitika.

Layunin ng Task Force Abra na ituon ang buong atensyon nito sa pagbabantay sa buong lalawigan partikular sa mga tinukoy na lugar na may mainit na bangayan sa pulitika na magtatagal hanggang sa may maideklarang nanalo sa halalan.

--Ads--

Samantala ang 24th IB na kasalukuyang nakatalaga sa lalawigan ay tutugon naman sa Territorial Defense Operations.