--Ads--

Iginiit nina dating Supreme Court Chief Justices Artemio Panganiban, Hilario Davide Jr. at Reynato Puno na dapat ibatay sa bilang ng mga senator-judge na aktibong lumahok sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ang kinakailangang boto para sa conviction.

Ayon kay Davide, dapat lamang isama sa bilang ang mga senador na kuwalipikadong bumoto, habang sinabi ni Puno na hindi dapat literal na ituring na permanenteng 16 na boto ang requirement dahil gumagamit ang Konstitusyon ng two-thirds fraction.

Samantala, iba ang pananaw ni dating Associate Justice Adolfo Azcuna, isa sa mga framers ng 1987 Constitution. Para sa kanya, nananatiling 16 na boto ang kailangan dahil nakabatay ito sa buong 24 na miyembro ng Senado.

Ang usapin sa voting threshold ay nakatakdang talakayin muli sa oral arguments sa Setyembre 23, bago bumoto ang mga senator-judge sa naturang isyu.

--Ads--