--Ads--

Tatlong katao ang sugatan matapos ang isang insidente ng pamamaril sa Times Square, New York City nitong Sabado, Agosto 9.

Ayon sa ulat ng New York Police Department, nagsimula ang insidente matapos ang isang mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawang indibidwal na nauwi sa pamamaril.

Ang mga biktima ay isang 19-anyos na lalaki ang tinamaan sa kanang paa,isang 65-anyos na lalaki ang tinamaan sa kaliwang binti at isang 18-anyos na babae ang nagtamo ng tama ng bala sa leeg.

Lahat ng biktima ay agad na isinugod sa Bellevue Hospital at nasa ligtas nang kalagayan.

--Ads--

Ayon sa mga awtoridad isang 17-anyos na suspek ang naaresto malapit sa West 44th Street at 7th Avenue. Narekober din ang isang baril sa pinangyarihan ng krimen.

Dahil sa insidente maraming turista ang nag panic matapos marinig ang putok ng baril sa paligid ng Hard Rock Café, isa sa mga tanyag na pasyalan sa Times Square.

Ayon sa mga saksi, may mga butas ng bala sa bintana ng isang sasakyan.

Samanatala, isang video ang ibinahagi sa X (dating Twitter) kung saan makikita ang mga emergency responders na tumutulong sa isang lalaking nakahandusay sa kalsada.