--Ads--

CAUAYAN CITY – UPDATE  – Binawian ng buhay  ang apat na katao matapos na-trap sa hinuhukay butas sa Magsaysay Hills, Bambang, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang mga nasawi na sina Heremias Padilla, Dionisio Alosen, Silbino Mendza at ang brgy. Kagawad na si Marlon Orden.

Una rito ay natrap ang tatlong manggagawa sa hinuhukay nilang butas sa nabanggit na lugar kung saan agad naman silang sinaklolohan ng Brgy. Kagawad matapos marinig ang paghingi nila ng tulong ngunit hindi na din ito nakaahon pa.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Ronnie Rivera, Executive Assistant ng LGU Bambang, sinabi niya na septinc tank umano ang hinuhukay nilang butas ngunit nang makita nila na may tubig ito ay ipinagpatuloy nila ang paghuhukay.

--Ads--

Aniya, balak na lamang umano ng may-ari na gawin itong source ng supply ng tubig dahil mahirap ang suplay ng tubig sa kanilang lugar hanggang sa umabot na sa 10.5meters ang lalim ng hukay.

Napag-alaman na mayroong Methane Gas ang lumabas sa hukay dahilan upang mahirapang huminga ang mga biktima hanggang sa silay nawalan ng malay hanggang binawian ng buhay.

Dahil sa insidente ay nagsilikas ang labing isang pamilya na malapit sa hukay upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Umabot naman sa higit apat na oras ang pagkuha sa katawan ng mga biktima dahil sa lubhang mapanganib din sa mga recuers ang pag-ahon sa mga biktima.

Patuloy naman ang ginagawang test ng mga miyembro ng Didipio Mine upang masiguro na wala nang methane gas sa lugar.

Magpapaabot naman ng tulong pinansyal ang pamahalaang lokal ng Bambang sa naiwang pamilya ng mga biktima at maging sa mga lumikas na residente.