--Ads--

CAUAYAN CITY – Nangako ang hepe ng Luna Police Station na si P/Senior Inspector Jeriel Frogoso, na hindi sila titigil para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng isang tsuper ng tricycle na residente ng Cauayan City.

Matatandaang natagpuang palutang-lutang sa isang irrigation canal ang bangkay ni Delfin Agustin ng District 3, Cauayan City Dadap, Luna, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Sr. Inspector Frogoso, sinabi niya na dalawa hanggang tatlong tao ang kanilang tinitingnang person of interest sa pagpaslang kay Agustin.

Aniya hindi muna nila papangalanan ang tatlo para mabigyan daan ang pagtugis sa kanila.

--Ads--

Sa kanilang pagsisiyasat, walang masamang rekord ang biktima batay sa pakikipag-ugnayan nila sa Pamilya nito kayat kanilang tinitignan na napag-tripan lamang si Agustin.

Nakatulong ang nakuha ng mga tagasiyasat na kopya ng CCTV Footage sa pambansang lansangan kung saan dumaan ang tricycle ng biktima patungong Luna na kanilang ginamit upang matukoy ang mga pinaghihinalaan.

Tinitingnang inarkila muna ang tricycle ng biktima bago ginawa ang karumal-dumal na krimen.