--Ads--

Umaasa ang Teachers Dignity Coalition na maghahain ng Temporary restraing order (TRO) ang korte suprema sa implementasyon ng 2025 national Budget matapos paghahain nila ng petisyon na kumukwestiyon sa konstitusiyonalidad ng pambansang pondo.

Matatandaan na muling kinalampag ng naturang gupo ang Kongreso at malakanyang kaugnay sa di umano’y paglabag sa section 5 art. 14 ng 1987 contitution na nagsasaad na ang sektor ng edukasyon ang dapat makatanggap ng may pinakamalaking pondo sa ilalim ng National Budget.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Benjo Basas, Chairperson ng Teachers Dignity Coalition, sinabi niya na lumalabas na ang sector ng edukasyon ang may pinakamalaking pondo sa 2025 national Budget na may P1.055 trillion ngunit kung susumahin ay DPWH pa rin ang may pinakamalaking pondo dahil isinama sa education sector ang pondo ng ilang ahensya na hindi naman sakop ng naturang sektor gaya na lamang ng PMA at PNPA.

Aniya, nais nilang magkaroon ng TRO para sa implementasyon ng pambansang pondo upang maayos ang mga irregularidad sa national budget at matiyak na ito ay naaayon sa konstitusyon.

--Ads--

Makakaapekto kasi umano ang mababang pondo sa function ng deped lalo na at napakahalaga ng sektor ng edukasyon dahil dito nahuhulma ang kahusayan ang mga kabataan.