--Ads--

CITY OF ILAGAN – Nanalo ang team Zambales sa kanilang unang laro kontra sa Mountain Province sa ginaganap na Philipine Little League Baseball series sa lunsod ng Ilagan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Coach Arnel Fabros, ang head coach ng team Zambales na nagpapasalamat sila dahil sa kanilang unang laro ay nanalo sila at umaasa sila na magpapatuloy ito sa mga susunod pa nilang laro.

Aniya, magagaling din ang mga manlalaro ng Mountain Province pero mas naging mapalad lamang sila.

Nagpapasalamat naman sila dahil natapos ang laro na walang nasaktan.

--Ads--

Ayon pa kay Coach Arnel, ngayon lamang naisali ang team nila na nasa lower division pero dati ng sumasali ang kanilang mga manlalaro na nasa senior division sa Little League Philippines.

Sa kanilang lugar ay nagkakaroon sila ng inter-barangay at inter-school kaya ang mga kabataan ay mahilig sa baseball.

Nag-umpisa naman silang magsanay noong Christmas Vacation dahil dito lamang nabigyan ng mas mahabang panahon ang kanilang mga manlalaro na walang pasok sa paaralan.

Malaking hamon naman sa kanila ang pagsupervise sa mga manlalaro nilang nasa elementarya kaya patuloy ang kanilang pag-alalay sa kanila.