--Ads--
CAUAYAN CITY – Patay ang isang tindero matapos saksakin ng di pa matukoy na suspek sa barangay Calaocan, Santiago City.
Ang biktima ay si Aljon Canero, 23 anyos at residente Purok 4, Calaocan, Santiago City.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Presinto Uno ng Santiago City Police Office ang biktima ay nakursunadahan ng pangkat ng mga kalalakihan.
Dinala sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa tinamong saksak sa katawan.
--Ads--
Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya upang matukoy ang mga suspek.
Ang biktima ay nauna nang naharap sa kasong bigong pagpatay ngunit napawalang sala dahil sa hindi pagsipot ng nagrereklamo.




