--Ads--

Pangalawang araw na ng pagsasagawa ng TOG 2 ng air operations para sa mga naapektuhan ng bagyong Uwan sa Rehiyon.

Ayon kay 2lt Kevin Agagdan, Public Affairs Officers ng TOG 2, kahapon ay nakapagsagawa na sila ng humanitarian assistance sa Dinapigue Isabela

Aabot sa 2000 family food packs and mg anon food items ang naipamahagi sa mga residenteng naapektuhan doonv

Giit ng opisyal, ngayong araw ay isasagawa naman sa Nueva Vizcaya ang humanitarian assistance gamit ang dalawang black hawk helicopters

--Ads--

Nasa 2000 na FFPs din at mga non food items ang ipapadala nila probinsya upang maalalayan ang mga naaepktuhan ng nagdaang bagyon Uwan

Makakasama rito ang hanay ng DSWD, DRRMO at OCD na mangunguna sa pamamahagi ng ayuda sa mga residente doon

Kaalinsabay din nito ay nakatalaga rin ang dalawa pang black hawk helicopter ng TOG 2 sa probinsya ng Kalinga na mamahagi rin ng mga FFPs na pangungunahan naman ng mga opisyal ng probinsya.