--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa 25 sako ng asin  ang ginamit ng Tactical Operations Group  2 (TOG2) ng  Philippine Airforce (PAF)  sa isinagawang  kauna-unahang cloud seeding operation sa Isabela ngayong taon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Col. Augusto Padua, commander ng TOG2  na batay pag-aaral ng Department of Agriculture (DA) Isabela nagkukulang ang tubig-ulan para sa mga pananim  kaya hiniling sa Philippine Airforce ang pagsasagawa ng cloud seeding operation.

Inabot ng isang oras ang paglalagay kahapon ng Nomand 22 ng asin sa mga ulap at muling magsasagawa ng cloud seeding ngayong araw at sa mga susunod na araw.

Sinabi ni Col. Padua na naglaan ang Philippine Airforce  ng 10 oras para sa pagsasagawa ng cloud seeding operation sa Isabela ng Nomand 22 na galing pa sa Mactan, Cebu.

--Ads--

Ayon pa kay Col. Padua, kasama sa trabaho ng PAF ang pagsasagawa ng cloud seeding operation bilang bahagi ng kanilang pagsuporta sa  national development mission katuwang ang DA  Isabela.

Ang pahayag ni Col Augusto Padua ng TOG2, PAF.