--Ads--

CAUAYAN CITY – Tone-toneladang mais kasama na ang palay ang nasisira dahil sa patuloy na nararanasang pag-ulan dito sa lalawigan ng Isabela.

Ito ang kinumpirma ng maraming magsasaka sa San Antonio Region, Ilagan City makaraang ang kanilang mga mais na ang ilan ay nakabunton pa lamang sa gitna ng bukid ay nasisira.

Bagamat ang mga mais ay hindi inabot ng tubig ay umuusok bunsod ng hindi nabibilad habang ang ilan na nakasako ay nangingitim, na tiyak hindi bibilhin ng mga traders.

Humigit kumulang sampong bahagdan ng mga aning mais at palay ang tuluyang masisira dahil karamihan sa mga magsasaka ay nauna nang nakapag-ani at naibenta na ang kanilang mga aning butil bago pa man umulan.

--Ads--

Sinabi ni Pangalawang Punong-Lunsod Vedasto Villanueva ng Ilagan City na napakamura ang pagbili ng mga traders sa mayroon nang mga pinsalang mais at walang magagawa ang mga magsasaka kundi ibenta kahit pa umabot ng tatlo hanggang limang piso ang kada kilo.