--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakapagtala ang Department of Tourism Region 2 ng mataas na tourist arrival ngayong long weekend.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DOT Regional Director Dr. Troy Alexander Miano sinabi niya na nagkaroon ng paglobo ng tourist Arrival sa Lambak ng Cagayan dahil sa long weekend.

Aniya, naging abala ang mga bus terminals at paliparan sa tatlong pangunahing paliparan sa Cagayan.

May mga naitalaga silang personnels sa iba’t ibang paliparan kung saan sila ang may mandatong matiyak ang maayos na flow ng mga biyaherong papasok at lalabas sa Region 2 kaya wala silang naitalang anumang hindi magandang insidente.

--Ads--

Sa katunayan aniya ay hindi nakapagtala ang Lambak ng Cagayan ng mababang tourist Arrival dahil kilala ang Cagayan Valley bilang tourist destination sa buong Bansa.

Ikinatuwa naman ni REgional Director Miano ang unti unting panunumbalik ng sigla ng turimo sa Rehiyon.

Samanatala, naghahanda na rin ngayon ang DOT Region 2 katuwang ang mga Local Government Units para sa paparating na holiday season lalo at unti unting nadadagdagan na ang mga tourist destination sa Cagayan Valley partikular sa Isabela kabilang ang Abuan river at ilang garden at resort sa Lalawigan.

Titiyakin ng tanggapan ang maayos at ligtas na mga destinasyon para sa mga turista ngayong “ber” months.