--Ads--
Tracker ng PNP, patuloy na tinutugis ang pumatay sa isang pari sa Cagayan
CAUAYAN CITY- Patuloy ang pagkilos ng tracker team ng PNP para maaresto ang mga natukoy na suspek sa pagbaril at pagpatay kay Fr. Mark Anthony Ventura noong Abril 29, 2018 sa Gattaran, Cagayan.
Sa press conference sa pagtungo sa Isabela ni PNP Chief Oscar Albayalde para dalawin ang burol ng napatay na si Chief Inspector Michael Angelo Tubania, hepe ng Mallig Police Station, sinabi niya na hindi tumitigil ang mga pulis para matukoy ang pinagtataguan ng suspek na sinampahan na ng kasong pagpatay.
Marami aniyang natatanggap na impormasyon ang pulisya kabilang ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)
--Ads--




