CAUAYAN CITY – Hiniling ng National Public Transport Coalition o NPTC sa pamahalaan na aksyunan ang petisyon nilang temporary suspension sa excise tax ng langis.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay NPTC Convenor Ariel Lim sinabi niya na umaasa silang hindi na tataas ang presyo ng petrolyo ng mas higit sa ibinaba ng presyo.
Aniya hindi na sila natutuwa sa pabagu-pabagong presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa iba’t ibang global issues.
Dahil dito ay isinusulong pa rin ng NPTC ang suspensyon ng excise tax sa langis.
Umaasa silang masisilip na ito ng pamahalaan habang gumugulong pa ang budget hearing para sa pansamantalang maalis ang price ceiling sa langis sa world market.
Nilinaw naman niya na ang hinihiling lamang nila ang pansamantalagang suspensyon sa tax kung papalo ang presyo ng bawat bariles ng langis sa 80,000 dollars at hindi infinite suspension.
Nangangahulugan ito na maaari pa rin namang ibalik o ipatupad ng pamahalaan ang excise tax oras na bumagsak na ang presyo sa pandaigdigang merkado.
Ito na lamang aniya ang tanging solusyon na kanilang nakikita lalo at hindi naman naging epektibo ang fuel subsidy program ng pamahalaan.
Higit sa lahat maliban sa sektor ng transportasyon at matutulungan din mapababa ang presyo ng pangunahing bilihin na malaking tulong para sa kanila at sa mga commuters.
Muli din nilang kinalampag ang pamahalaan na talakayin na sa budget hearing ang pondo para sa naipangakong fuel subsidy sa mga namamasadang tsuper sa buong bansa na hanggang ngayon ay hindi pa rin naipagkakaloob.