--Ads--

Tree planting at clean up drive isinagawa sa pagdiriwang ng Earth Day

CAUAYAN CITY – Isinagawa ng mga pinuno at kawani ng DENR Isabela ang tree planting at clean up drive sa agta village model community sa Cabisera 10 para sa pagdiriwang ng earth day.

Limampung punla ng rambutan at santol ang itinanim gayundin ang ilang uri ng gulay tulad ng talong, kamatis, sili at iba pa.

itinanim ang mga ito sa agta village para mapangalagaan at mapakinabangan ng mga nakatirang 23 pamilya.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PENRO Federico Cauilan ng DENR Isabela na kaunti lang muna ang kanilang mga itinanim para hindi suliranin ang survival rate ng mga ito bunsod ng mainit na panahon.

Kakausapin nila ang mga mamamayan sa lugar na tutukan at pangalagaan ang mga itinanim nilang namumungang kahoy para lumaki at pakinabangan nila ang bunga ng mga ito.

Sinabi ni PENRO Cauilan na tinututukan din nila ang tamang paghihiwalay ng mga basura sa pamayanan.

Ang pagbababago ng klima ay epekto ng hindi maayos na pagtatapon ng basura.

Napili ang agta village sa Cabisera 10 para mamulat ang mga mamamayan na hindi lang sa kabayanan suliranin ang basura kundi magkaroon sila ng kaalaman at matuto rin silang mangalaga sa kalikasan.