CAUAYAN CITY– Patuloy ang masusing pagsisiyasat ng mga pulis sa brutal na pagpatay sa isang tsuper ng tricycle na natagpuan ang bangkay sa barangay Campanario, Angadanan, Isabela.
Ang bangkay biktimang si Dominic Eligores, 33 anyos, binata at residente ng barangay Nacar, San Guillermo, Isabela ay nagtamo ng maraming saksak at taga sa katawan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag P/Senior Inspector Ardee Tion, hepe ng Angadanan Police Station na tumawag sa kanilang himpilan ang punong barangay ng naturang lugar at sinabing may bangkay ng lalaki ang nakita sa kanilang lugar.
Nagtungo ang mga pulis sa lugar at natagpuan ang bangkay ng lalaki na may palatandaang pinahirapan ng husto dahil sa maraming tama ng saksak at taga sa katawan.
Sinusuri na rin kung ilan ang saksak at tinamo ng biktima
Palaisipan pa rin sa pulisya kung ano ang motibo sa pananaksak dahil ayon sa pagpapahayag ng pamilya sa pulisya ay mabait at wala umanong nakakaalitan si Eligores.




